Ang Luzon Pigeon Homing Association ay itinayo noong 2019 ng Big 5 na binubuo nina, aka-Don Robert, aka-Kap Budoy, aka-Loreto C., aka-Blood De Vera at ang Presidente na Si aka-Tok Monderin.
Si Tok Monderin ay dating cockfighting enthusiasts, ng mahabang panahon, subalit ang mga kaibigan nito ay nakiusap sa kanya noon na kung maari ay balikan niya at pasuking muli ang mundo ng pagkakalapati, alang alang sa mga fancier narin na taga Basista ngunit hindi naging madali ang desisyon na ito ni Pres Tok Monderin dahil sa mga panahong iyon ay nangangapa muna silang grupo kung papaano mag uumpisa, anong mga pasilidad at kagamitan ang maaring gamitin at sino sinong mga tao ang makakatulong pa upang mabuo ang Pigeon Club na inaasam ng Bayan ng Basista.
Sa Tulong ng aking kaibigan at kompare na si Ivan Calica ng Malimpec Bayambang Pangasinan na isa rin sa kaibigan ni aka-Blood De Vera ay Kinontact ako at sinabihan kung kaya ko bang tumayo bilang isang IT personnel ng isang pigeon club sa pamumuno ni Tok Monderin, subalit ako ay tumangi noong una dahil una sa lahat ay hindi ko naman linya ang pag iibon at lalong hindi ko alam kung papaano ang mga systema at kalakaran sa pigeon racing, subalit kalaunan ay napapayag rin ako ng aking kaibigan si Ivan Calica. Sa mga panahong iyon wala akong nagawa kundi pag aralan ang nasabing industriya, nagkalap ako ng research kung papaano ang kalakaran sa pigeon sports.
Nag umpisa ang pinakaunang clocking ng LPHA gamit ang Microsoft Excel at Text Message kung saan nagawa kong makuha ang tamang formula sa Ms Excel, kagaya na lamang ng Speed Computation, Distance computation, Flight Time computation at Ranking ng ibon, ginamit naman namin ang pagkalap ng time of arrival ng ibon sa pamamagitan ng Text Message kung saan ay pagdating ng ibon noon sa fancier ay e tetext nia manual ang code na ikinabit sa ring number ng ibon at yon ang aming basihan upang makuha ang tamang speed ng ibon.
Lumipas ang ilang buwan ay nakilala namin si Sir TEd, Si Sir TED ng Urdaneta ang isa sa mga tumulong sa LPHA Club at may pinakamalaking kontribusyon upang makagamit kami ng automated clocking system na YONA Pro, itinuro ni Sir Ted ang lahat ng kanyang nalalaman sa paggamit ng nasabing clocking system at nagamit namin ito ng humigit kumulang isang taon.
Dumating ang panahon ang Big 5 ay unti unti nang nabuwag dahil hiniling ng apat sa miyembro ng Big 5 na gusto nalang nilang maglaro at maging isang ordinaryong fancier nalang, naging mayroong kirot sa imosyon ni Pres Tok Monderin dahil kung kaylan kasagsagan na ng club na kanilang itinayo ay gusto ng kumalas ang mga kaibigan nitong silang nag inganyo sa kanya upang mabuo ang LPHA, walang nagawa si Pres Tok Monderin at pinaunlakan ang kahilingan ng Big 4, hanggang sa tanging si Pres Tok Monderin, Maam Mary Joy Monderin (Asawa ni Pres) at Princess Monderin (Anak ni Pres) at ako bilang IT ng club ang natira at ipinagpatuloy ang nasimulan na Pigeon Club, nadagdagan rin ang mga encoders at mga pahenante ng LPHA dahil buong Pangasinan na ang manlalaro at myembro nito.
Sa paglipas ng panahon maraming race ang aming natapos at napansin naming kinakailangan naming mag innovate ng clocking system at isa sa kahilingan ng karamihang fancier ay gumamit ng Kubopro clocking system. Muli, pinaunlakan namin ang kahilingan ng mga fancier at Kubopro ang aming napili bilang kapalit ng Yonapro.
Bilang isang taong nagtapos ng IT ang kubopro ay masasabi kong isa sa pinakamagandang pigeon clocking system dahil sa mga taglay nitong features, 100% gawa ng Pilipino at ginagamit rin ito hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang Bansa.
Ang system ng kubopro ay nakapatransparent, wala kang maitatago at sumusunod ang kompanya ng kubopro sa mga standard policy patungkol sa basic and major transparency ng kompanya maging ng mismong Club admin na gumagamit nito. Masasabi kong almost 100% perfect ang kubopro clocking system.
Sa ngayon halos hindi na mabilang ang mga fancier na nanalo sa aming club. Maraming sumaya namotivate at marami pa kaming mamomotivate sa hinaharap.
Ito ang tunay na kwento ng LPHA, hangarin ng Club na makapagbigay saya sa mga fancier sa buong Luzon, lalong lalo na sa Pangasinan at sa karatig na lalawigan nito.
Naway patuloy ninyong suportahan ang LPHA-URPP sa mga susunod na panahon, magkaroon man ng balakid, magkaroon man ng hamon, problema at pagsubok, madapa man ang club, muling tatayo, titindig at babangon ang LPHA hanggat nandyan kayo na nakasuporta.
In behalf of Sir Pres Tok Monderin at Maam Mary Joy Monderin. Maraming salamat sa walang sawang suporta ninyo sa mga pigeon fancier na mula noon hanggang ngayon ay nariyan kayo at sumusuporta sa kung ano man ang nasimulan ng LPHA.